The Bark List: 10 Tools For Training Your Dog

THE BARK LIST: 10 Tools For Training Your Dog

SHARE THIS: 

 

Lestre Zapanta EZYDog

Ito ang mga pangunahing bagay na inirerekomenda ko para sa pagte-train ng mga aso. Simulan natin sa…

.

10. Training Crate or Spot

puppy crate training

Ito marahil ang pinaka-unang nararanasang problema ng mga dog owners — “Paano tuturuan ang bagong tuta nila kung saan dapat dumumi.” Madali lang gawin ang potty training sa mga aso. Ang kailangan mo lang ay ROUTINE.

Pero bakit kailangan pa ng spot o crate? Kung walang spot o crate ang tuta, diyan na magsisimula ang pagdumi niya kung saan-saan. May poopoo sa basahan, may wiwi sa carpet. May tumpok-tumpok kang makikita sa sala, sa kwarto, sa kusina. AAARGH!!! Sa unang mga linggo nang pagtira niya sa bahay mo, hindi mo dapat hayaan ang tuta mo na gumala-gala nalang sa buong bahay kung kailan niya gusto. Dito na papasok ang routine.

Umpisahan mo sa pagtatalaga ng isang spot o lugar kung saan mananatili at matutulog ang iyong bagong alaga. Ayaw na ayaw ng mga aso na nadudumihan ang kanilang tinutulugan at hangga’t kaya nilang pigilin, pipilitin nilang huwag magdumi sa kanilang pahingahan.

Dapat ang spot na itatalaga mo ay hindi masikip. Dapat komportable ang espasyo para galawan at higaan niya. Pwede kang kumuha ng isang area sa iyong bahay na pwedeng pagtigilan ng tuta mo. Harangan mo ang area na ito para hindi makalabas ang tuta. Pwede mo ring lagyan ng mga dyaryo ang sahig para matuto ang tuta na sa dyaryo lang dapat dumumi. Pero para maiwasan ang pagngatngat ng dyaryo, pwede kang gumamit nalang ng crate dahil may tray o saluhan na ito para sa dumi ng aso. Ngayong may sarili na siyang lugar, gumawa ka na ng schedule.

Kadalasan, dudumi ang mga aso tatlumpung minuto matapos silang kumain o uminom. Dahil hindi pa kayang kontrolin ng tuta mo ang kaniyang pagdumi, malamang mas maiksing oras lang ang iyong dapat hintayin bago siya dumumi. Kaya mabuting dalhin mo na siya agad sa “designated spot” kung saan siya dapat magpoopoo at magwiwi. Hindi matututo ang tuta kung paiba-iba ang oras ng pagpapakain at potty training mo. Dapat consistent ang routine.

9. Muzzle

Kadalasan, natatakot ang mga dog owners na ilabas ang mga aso nila dahil may tendency na mangagat. Sa kagustuhan nilang makaiwas sa disgrasya, nagpasiya nalang silang ikulong ang mga alaga nila. Ngunit dapat maintindihan din natin na habang nakakulong ang isang aso at hindi sinasanay, mas tumitindi ang problema. Araw gabi nakakulong; taon na ang binilang, nakakulong pa rin siya. Di ba’t malulungkot ka rin kung ganon lamang ang iyong buhay?

dog muzzle o busal

Kung di ka komportable na ilabas ang aso mong may tendency na mangagat, bumili ka ng muzzle o busal. Sa tulong nito, maiiwasan mo ang bite incidents; makakapag-train pa kayo ng aso mo. Kailangan mo lang siyang tulungang mag-adjust sa mga bagay na kadalasang nag-uudyok sa kanya para kumagat.

8. Backpack

Tuwing lalabas kayo ng aso mo, di maaring hindi ka magdala ng mga esensyal na bagay na gagamitin ninyo sa training tulad ng bowl, water bottle, treats, poop bags, towel, hand sanitizer, at kung anu-ano pa. Bigyan mo ng physical at mental exercise ang aso mo. Turuan mo siyang bitbitin ang mga gamit niya sa pamamagitan ng doggie backpack.

Corgi EZYDog BackpackEZYDog backpack

7. Poop bags

Parte ng dog training ang pag-eensayo sa labas ng bahay. Kailangan mong ilabas ang aso mo para maturuang maglakad nang maayos at masanay sa ibang tao, hayop, at bagay. Tuwing ilalabas mo ang iyong aso, huwag kakalimutang magdala ng pampulot.

IMG_0013

Palagi ka dapat may bitbit na poop bags o dyaro. Dapat pinupulot mo ang dumi ng iyong aso para hindi kayo maging perwisyo sa inyong komunidad. Iyan ang gawain ng isang responsible dog owner.

6. Ball

ball drive

Sa aking pananaw, lahat ng aso ay may tinatawag na “drive”. Maliit man o malaki, ang mga aso ay palaging interesado sa mga gumagalaw na bagay. Insekto, daga, pusa, sasakyan, tao, kahit anong mapadaan, may “trigger” na mag-uudyok sa kanila na habulin ito. Upang maiwasang makasakit o mapahamak sila dahil sa kanilang “prey drive”, gagamit tayo ng bola para doon nila ituon ang kagustuhan nilang manghabol. Ang pag-fetch ay isang magandang training game para maturuan ng “impulse control” ang mga aso.

fetch

Tulad sa paggamit ng treats, maaari mo ring maturuan ang aso mo ng iba’t ibang tricks sa pamamagitan ng bola.

doberman

5. Tug Toys

Sabi ng iba, huwag daw turuan mag-tug-of-war ang mga aso kasi natututo silang maging dominante kaysa sa tao. Kung sa lakas ng katawan lang ang usapan, malamang kaya nila tayong talunin sa tug-of-war. Pero para sa akin, ang larong ito ay hindi palakasan ng pisikal na abilidad kundi isang mental na kasanayan. Paano mo matuturuan ang isang aso na bitawan ang laruan? Hindi mo kailangang makipagtagisan sa kanya ng lakas. Ang kailangan mo lang gawin ay turuan siya ng “Drop it”.

dog tug toysrope tug dog toy

Ginagamit ang tug toys kung gusto mong bigyan ng paraan ang aso mo para ilabas ang kanyang “urge to bite” imbes na ang mga kamay at paa mo ang kanyang laruin.

4. Treats 

dog treats

Kung ang aso mo ay food-motivated, makakatulong sa iyo ang paggamit ng treats sa training. Gamitin lamang ang food rewards tuwing training time. Kung aabutan mo lang nang aabutan ang aso mo sa isang kapritso, mawawala ang halaga ng reward mo dahil kahit anong oras nakakakuha si doggie ng reward mula sa iyo. Kalaunan, mapapansin mo nalang na nawalan na siya ng interes sa training dahil alam niyang may reward pa rin naman siyang makukuha galing sa iyo. Importante kasi ang timing sa pagbigay ng rewards.

dog treatsMainam din na sanayin ang aso mo na tumingin muna sayo at mag-FOCUS bago mo ibigay ang treat. Sa paraang ito, maiiwasan mong maging “fixated” siya sa pagkain, na maaaring humantong sa “resource guarding” at “aggressive tendency” tuwing may lalapit sa kanyang pagkain. 

3. Leash

EZYDog collar and leash

Dapat sanayin ang mga aso na maglakad sa iyong tabi upang maiwasan ang disgrasya. Maraming aso ang pilit na pumipiglas at kumakawala sa tali dahil hindi sila sanay. Maari silang mabangga ng mga sasakyan kapag nagkataon. Makokontrol mo lang ang aso mo kung tuturuan mo siyang maglakad nang naka-leash; mas maagang edad, mas mabuti. Mahihirapan kayo na i-train sila kung kaya na nila kayong hatakin at madala kung saang direksyon nila gusto. Kaya habang tuta pa lamang, turuan niyo na sila na huwag manghila.

EZYDog Vario 4 Lite

EZYDog Vario 4 Lite

2. “Dog Owner In Training” t-shirt

Sinama mo ang aso mo sa isang pet-friendly mall nang bigla nalang siyang nagkulit, nag-ingay, at nang-away ng mga nakakasalubong niyo! Naku po! Lahat ng tao ay napatigil. Feeling mo may spotlight na nakatutok sa inyo ng aso mo! Ngunit nang makita nila na suot mo ang t-shirt na ito, sabi nila “Ah, kaya naman pala!”

Dog Owner In Training

Itong “Dog Owner In Training” t-shirt ay libre para sa mga gustong sumali sa aking Group Training Session sa January 11 at 18, 2015. I-text lamang ang inyong email address sa aking WOOFline para makakuha ng karagdagang detalye.

WOOFline

Group-Session

1. At ang pinaka-importanteng training tool ay………..…IKAW!

Handa na halos ang lahat nang kakailanganin ninyo ng aso mo. Pero may kulang pa — IKAW! Kung wala ka, sino ang tutulong sa aso mo? Si dog trainer ba? Hindi! Ang trabaho lang ng dog trainer ay patnubayan ka sa mga dapat mong gawin, pero nakasalalay pa rin sa iyo ang pagsasanay sa aso mo dahil IKAW ang kasama ng aso mo araw-araw, gabi-gabi. IKAW ang nakakakita sa ugali ng aso mo sa loob at labas ng bahay. IKAW ang nakakakilala nang lubos sa aso mo. YOU are the best trainer para sa aso mo. Kailangan mo lang ng mahabang pasensya at determinasyon na mag-practice palagi para makita mo ang pagbabago na nais mong matutunan ng aso mo. Nasa iyo ang solusyon.

Lestre Zapanta.

ABOUT LESTRE ZAPANTA (LZ)

WITH 38,000+ FANS REACHED BY THE PINOY DOG WHISPERER FACEBOOK PAGE, LZ HAS BECOME AN OPINION LEADER IN THE PHILIPPINE DOG-OWNING COMMUNITY. HE REGULARLY CONDUCTS “TRAINING FOR DOG OWNERS” AND HAS BEEN INVITED ALL OVER THE COUNTRY TO DO HIS DOG WORKSHOPS. HIS GOALS ARE TO OFFER A NEW PERSPECTIVE ABOUT DOGS, TO REDEFINE THE MEANING OF RESPONSIBLE DOG OWNERSHIP, AND TO HELP DOGS OWNERS TO SUCCESSFULLY CONTROL AND CORRECT THEIR DOG’S BAD BEHAVIORS. FOR MORE INFORMATION ABOUT LESTRE ZAPANTA, VISIT WWW.FACEBOOK.COM/LESTREZAPANTA.

Lestre Zapanta THE Pinoy Dog Whisperer

 

 

 

 

MEDIA PERSONALITY
EVENT SPEAKER
BRAND AMBASSADOR AND ENDORSER
SPOKESPERSON FOR ABUSED AND RESCUED ANIMALS
WWW.FACEBOOK.COM/LESTREZAPANTA 
WWW.TWITTER.COM/LESTREZAPANTA 
WWW.INSTAGRAM.COM/THEPINOYDOGWHISPERER
WWW.LESTREZAPANTA.WORDPRESS.COM
0927-499-WOOF (9663)